Sunday, October 22, 2006

braincells not working...

can't think of anything to write on my report... it must be because my mind is somewhere else... i wish i was back home... add to the fact that it's sunday today. oh well! i've written something this morning, just cant seem to add anything more...

got to sleep for now... maybe tomorrow my brain cells will return to their normal functions... i hope! harhar!

btw, i think (or is it more like i feel?) that im getting over that kinda something now... go figure! Ü

Friday, October 06, 2006

isa pang pagninilay-nilay...

kagaya ng nauna dito na isinulat ko, hindi ko na ulit isasalin sa wikang ingles ang naisulat kong saloobin at pagninilay-nilay...

hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko dito sa mundong ito. hindi ko alam kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Ang alam ko lang, gusto kong mabuhay ng panatag ang loob. sa ganung sitwasyon ko siguro masasabi at mararamdaman na masaya nga ako.

may topak nga yata ako sa ulo. maski ang sarili ko ay hindi ko maintindihan kung minsan. maraming bumabagabag sa aking isipan. iba ang inilalatag sa akin ng tadhana... kunsabagay, hindi naman maaring lahat ng mga gusto mo ay pwedeng mangyari.

sabi nila sa buhay daw OO at HINDI lang naman ang sagot. sa likod ng bawat desisyon na ginagawa ng bawat isa, marami ka pang dapat pag-isipan at timbangin. para sa mga taong matatapang ang loob, lahat ng pagsulong ay gagawin, yung wala bang masyadong iniisip pa. para naman sa iba, ang makuntento sa kanilang kalagayan ay sapat na.

nasa gitna ako... at dito ako nahihirapan. magulo ba at mahirap intindihin ang sinasabi ko? siguro nga...

isang pagninilay-nilay

isusulat ko dito kung paano ko ito isinulat sa isang kapirasong papel habang ako ay nasa bundok at nag-iisa, diretso sa tagalog. hindi ko na isasalin sa wikang ingles...

paano mo nga ba babaguhin ang isang tao sa nakasanayan nya? paano ba makitungo?

bata pa lang ako, alam kong hindi ako pala-halubilo sa mga tao. Sanay akong mag-isa kadalasan. kung ilagay mo ako sa isang grupo, may isa o dalawa lamang akong pagtitiwalaan, yung kaya ko bang kwentuhan ng mga personal na bagay sa buhay ko. yung mga kakausapin, siguro madalang lang. Kung ako ay hindi gaanong ka-interesado sa mga nakikilala ko, ayokong aksayahin ang panahon ng isa't-isa upang makipag-kunwarian lamang.

Mas pinipili kong manahimik kung wala naman akong mahalagang sasabihin at kung wala naman din lang maidudulot sa aking mabuti. Madalas ang pananahimik ko ay napagkakamalang kawalan ko ng interes o di kaya ay kasungitan. Mas gusto ko kasi na makinig...

iilan lamang ang mga taong pwede kong masabi na kilala ang tunay kong pagkatao. Sila yung mga taong kahit hindi ako magsalita ay alam kong naiintindihan nila ang aking nararamdaman.
Madali akong mapa-iyak, madali din naman akong mapatawa. Ang mahirap lamang sa pakikitungo sa akin ay kung bibigyan mo ako ng kahit isang dahilan upang magalit. yan ang ugaling aking pinakaka-iwasan. ayoko ng kaaway o kagalit. mahirap magtiwala muli...